El Ciego (The Blind Man) ni Fernando Cueto Amorsolo. 1929. |
Si Fernando Amorsolo ay kilalang Pilipinong pintor na hindi lang dalubhasa sa teknikal na aspeto kundi pati rin sa mahusay na pag-iinterpreta ng kanyang mga obra maestra. Ang madalas ngang tema ng kanyang mga gawa ay ang kulturang Pilipino. Nailalarawan niya ang mga karanasan ng isang Pilipino.
Tampok sa larawan ang isang lalakeng nagpapatugtog ng gitara. Alam nating ang gitara ay isang instrumentong parte na ng ating kultura bilang mga Pilipino. Kinahihiligan ito ng ating mga ninuno mula pa sa sinaunang panahon. Sa mga pagdiriwang tulad ng piyesta o di kaya sa panliligaw gaya ng panghaharana, di nawawala ang gitara. Nagiging simbolo nga ang gitara ng pagiging masiyahin at dalisay ng mga Pilipino. Sa piyesta, ito ang nagpapasigla ng mga tao. Kung pinapatugtog, nagsisimula na ang sayawan at kantahan. Sa harana naman, naipapahiwatig ng isang lalaki ang kanyang pagmamahal sa babaeng minamahal. Lahat ng ito'y may positibong idinudulot o kinahahatnan. Kaya naman masasabi nating ang El Ciego ay isang may tradisyunal na konsepto batay na rin sa interpretasyong makukuha natin mula sa gitara.
No comments:
Post a Comment